VIDEO:
YouTube Preview Image

FULL TRANSCRIPT:

Transcript of Extemporaneous Remarks
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During His Meeting with the Filipino Community

[September 23, 2010, Mason Hall, Baruch College, New York City]

Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat. Magandang gabi po. Kagalang-galang Ambassador Willie Gaa, Consul General Cecilia Rebong, of course Ms. Loida Lewis, Secretaries Cesar Purisima, Greg Domingo, Rene Almendras and Bert Romulo. Sa atin pong mga community leaders at mga kababayan na nanggaling sa mga estado ng New York, New Jersey, Washington D.C., Massachusetts, Connecticut, Pennsylvania. May Ohio pa po pala, at Virginia at Texas. Wala hong California? (laughter) Magandang gabi po sa ating lahat.

Sa totoo lang po, mayroon po tayong nakahandang talumpati. Ito po ‘yung hardcopy. Nandito po sa teleprompter ‘yung talumpati mismo, pero palagay ko po’y itabi na natin itong talumpati para malaman niyo, [applause]… nanggagaling po sa puso talaga itong ating mga sasabihin.

[“We love you Noy!”]

Mahal ko rin kayo, lalo na po itong dalawang beteranong kasama natin na parang brand new po ang aking poster. Naitago pala niyo. Salamat ho.

[Applause]

Noong nagsasalita po si Ginang Lewis kanina, at sinabi niya’y may limang request, ako po’y medyo ninenerbyos. Ano kaya ‘yung irerequest niya? At karamihan naman po ‘no, risonable at sensible. Naalala ko po kasi, baka itanong niya sa akin, kailan ka ba ikakasal? [laughter and applause] At kung ‘yun po ang itatanong niyo, doon po wala akong sagot. Masasabi ko lang po’y, umaasa pa po tayo hanggang sa ngayon.

Sagutin ko po muna iyong mga kahilingan kanina. Alam naman po niyo? Ako po’y isang public servant; kayo po ang amo ko, at tiyempong-tiyempo naman po na mayroon tayong dalawang mambabatas na kasama ngayong gabi. Nandito po, parehong Batanggenyo: si Senator Ralph Recto [applause] at si Congressman Dodo Mandanas [applause]. Sila po’y mga matibay na haligi po ng ating partido sa senado at sa kongreso. Sa kanila ko po ipapasa ‘yung inyo pong mga pakiusap ng pag-aamyenda ng Overseas Voting Act. Alam ho niyo, inilagay po ‘yung Return to the Philippines dahil ang debate po noong araw. Mahirap naman daw po ‘yung divided loyalties, ‘di ho ba? So, palagay ko naman, ‘yung three years ay masyadong mahigpit. Baka puwede naman pong pag-usapan kung ano nga ho ba ang magde-demonstrate nang talagang kagustuhan natin na babalik muli sa Pilipinas para buong makilahok sa usapang pampulitika doon. Magagaling po ‘yung mga kasamahan nating galing Batangas. Makikipag-usap po ako sa kanila para nga matugunan natin ‘yung unang kahilingan n’yo.

Doon sa pangalawang bagay naman po; ‘yung sa medicare. Magkakaroon ho kami bukas ng pagkakataon ni President Barack Obama na magkausap. Kaya lamang po, sampu kami ng ASEAN ang kausap niya. [applause] Ibig sabihin po noon, mga tigti-trenta segundos kami hanggang sa isang minuto. Alam naman ho niyong ang meeting ng General Assembly? Lahat po yata ng bansa sa mundo ay nandito ngayon sa New York. Kasama na po ‚yung mga galit kay President Obama. So, isisingit po natin. At mukha namang napakarisonable po nitong pakiusap na ito. Kung maaari ‘yung galing sa Guam, bakit naman po hindi galing sa contiguous 48 states? [applause]

Doon sa Legal Aid fraud, baka kailangan pong pag-rerefine o pagsasa-ayos nang kaunti, pero sa ngayon po, hindi talaga tumitigil ang ating DFA at ating DOLE—Department of Labor and Employment na mangalaga sa atin pong manggagagawang nasa labas ng Pilipinas. ‘Yung mga abogado pong kinukuha nila’y nakikipag-ugnayan tayo. Hindi lamang po doon sa sistemang panlegal, kasama na rin po’yung pakikiusap. Kunwari, sa Middle East ay ‘yung mga Emir, ‘yung Sheikh, ‘yung hari para bigyan ng tulong ang ating mga kababayan na nalagay sa alanganin sa kanila pong mga bansa.

Iyong pang-apat po, sa alok na pautangin ang gobyerno po natin, marami pong salamat. [laughter] Pero sa totoo lang po, ngayon po ay nagkakaroon tayo ng pagkakataon na talagang isaayos ‘yung utang na talagang delubyo. Sa totoo lang po, si Secretary Purisima ang ating mandando sa pagsasaayos ng ating pananalapi. Nakagawa na po ng paraan na kung saan, iyong mga malapit nang bayarang utang, ay naipalayo ang pagbabayad at siyempre ho, habang tumatakbo ang panahon, mas mahalaga ho ang pera ngayon kaysa sa mga darating na panahon. So, nakakatipid po tayo sa kabuuan doon sa utang. Kami naman po sa gobyerno natin, sa administrasyon natin, ay nangako nga ho. Kung wala ngang corrupt; wala hong mahirap.  Ano po ang pinaggagawa na natin? Pagtungtong pa lang ho ng administrasyong ito sa kapangyarihan, una pong ginawa, lahat po ng mga secretaries ay inatasan kong tignan ang bawat departamento at tignan kung anong kondisyon. At marami po tayong nahabol na pananamantalata at napigilan. Halimbawa, po, sa Department of Public Works and Highways, mayroon pong mga project na nagkakahalag ng tatlong bilyon. May kaugnayan doon sa pagsalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng. ‘Yung tatlong bilyon po, mahigit-kumulang may dalawang linggo na lang ang natitira sa nagdaang administrasyon. E ang ginawa po nila’y nagkaroon ng negotiated bidding. Ibig sabihin po noon, wala nang bidding. Ni-negosyo na lang nila. [laughter] Suwerte po natin, naabutan natin ‘yan. ‘Yung one billion na na-award nila, binawi ni Secretary Singson, Babe Singson, at hindi po nagamit nang mali. Ito po ay idadaan natin sa normal na proseso kung saan talagang magiging transparent ‘yung bidding process. Mapupunta sa pinakamagandang alok po sa gobyerno. Mapapalaki natin ‘yung ginhawang maidudulot nitong tatlong bilyong pisong ito. [applause]

At hindi lang po sa kanila. Sa Department of Agriculture po, nakipagtulungan ang pribadong sektor at binigyan po tayo ng tip. May kinukuhang makinarya ang Department of Agriculture. Sabi po ng nag-tip sa atin, paki-check po niyo, mukhang pinilit na iisang kumpanya na lang ang maging qualified diyan sa makinang iyan. At ang masakit pa, doble raw o triple ang sinisingil sa’tin. So pinasiyasat po natin ‘yan sa Department of Science and Technology at lumabas po na tama ‘yung sinasabi. Iyong kailangan po ng DA, in-overspecify, inilagay sa tamang lugar, at kaagad po, kalahati na lang ang babayaran natin doon sa muntik na naming pinalusot na dobleng halaga. Iyan po ang pinipilit nating mangyari sa lahat po ng sangay ng gobyerno. Maliban pa ho doon sa corruption… minsan nga lang ho, mayroong kadikit nga din ‘yun sa corruption.

Sa highways na naman po, mayroon iyong tinatawag na slope protection. ‘Yong mga kalsada po, mayroong mga katabing bundok. ‘Pag wala pong damo, walang halaman, ‘yung lupa guguho. Sarado ‘yung kalsada o sisirain ‘yung kalsada. So noong dati po, ang slope protection na ginagawa, ginagamit nila ang kongkreto. Ang tawag po sa proseso, shock brick. May wire mesh, papatungan ng semento. Ang problema lamang po ng teknolohiyang iyon, ‘yung lupa, nagko-contract, nag-eexpand kung mainit, kung malamig. ‘Yung kongkreto, mangyari nang mangyari, hindi naman po lumalapad. Hindi kumikitid. So ‘pag gumalaw-galaw ‘yung lupa, basag si kongkreto.’Pag nabasag, tulul-tuloy na sira. Susunod na taon, may bagyo na namang kontrata iyong gumawa. Tama ho ba? So, ang ginawa po ng ating Department of Public Works and Highways… Ang ganda po nito e, ecologically-friendly pa. Iyong buko po, nakukuhanan ng fiber. Ang tawag po doon, coco-wire. Ang labas po noon, parang lubid na galing sa abaca. Ipapatong po iyong mga nets sa lupain. Nagkakaroon ng damo nang kusa. Iyong damo ngayon ang tatangan doon sa lupa. So ito po ay magtitipid o magiging daan para makatipid ang gobyerno sa three billion budget yearly ng 2.5 billion pesos. [applause] Five hundred million na lang po ang gagastusin. Natural po, iyong 2.5 billion na ‘yan, pwede sa highways; puwedeng dalhin sa education; puwedeng dalhin sa PhilHealth. Maraming hong paggagamitan. Iyan po ang ibig sabihin ng good governance. May patutunguhan dahil hindi po iyong bulsa namin ang sinisilip namin. Iyan po, ibig sabihin ng good governance. May patutunguhan, dahil hindi po ‘yung bulsa namin ang sinisilip namin. Ang tinitignan po namin, kaya ba naming harapin ang bawat isang kababayan natin at masabing tama ang ginawa namin para sa inyo? At ‘yan po ang pinipilit nating mangyari. [applause]
‘Yung hawak po niyong pautang, aatasan ko po si Secretary Purisima na makipag-ugnayan sa inyo. Baka nga naman mas mababa ang interes ninyo. [laughter] Sayang naman. Pero alam ho ninyo, ano? Natutuwa rin ho kami, dahil noong unang buwan ng ating paglilingkod, ay talagang araw-araw ho, ang daming bad news na iniwan. ‘Yun ho bang hindi pa kuntento sa nine and a half years ay gusto pang dagdagan ang salanta sa atin.

So, eto hong Setyembre, marami naman hong good news. Amongst them, iniwan po sa atin kasing budget na pwede pang ilipat. Tignan po ninyo ang Calamity Fund. ‘Yung Calamity Fund po halos 1.4 to 2 Billion Pesos. Ang masakit po nito, noong dumating ang Ondoy, wala pang kalamidad, naubos ‘yung pondo. ‘Yun pala ‘yung kalamidad— inubos ‘yung pondo. [laughter] Tapos, akala naman ho natin tapos ang paliwanag ho ‘no? ‘Yung mga dating salanta na isinasaayos, doon ginamit. ‘Yung Calamity Fund, ang problema ho… hindi ho ba ang Calamity Fund, pang emergency? Hindi mo naman masasabi—may darating bang bagyo? Mananalanta? So kailangan may pondo kang pantustos. Pero doon ho, mayroong mga nasira ng dating bagyo, o ng dating kalamidad. Kukunin doon sa Calamity Fund. Bakit ho ginagawa ‘yun? Mas madali ho kasi doon sa ano e, sa paglalagay sa bulsa ‘pag Calamity Fund. Mas kaunti ‘yung prosesong dadaanan. ‘Yung safeguards mas kaunti rin dahil nga emergency ang pangangailangan ng calamity. E ‘yung emergency hong nangyari, ayun, kung sakaling may dumating na Ondoy o Pepeng na naman, kaya ayun—ayun na naman ang kalamidad natin. So sa totoo lang po ano, inubos na naman itong 2010, ‘no? At ang masakit ho, ‘yung pangalawang bagyong dumating, ako na po ang Presidente e. [laughter] At ang iniwan sa’kin nga, buti naman ho ‘no, bigyan naman natin ng credit ‘yung tama. Hindi naman ho utang ang iniwan sa akin sa Calamity Fund. Zinero lang. [laughter]

Buti na lang ho, may matitipid tayo. Tulad nga doon sa Department of Public Works and Highways, na ililipat natin, kung kakailanganin. Alam naman ho ninyo sa Pilipinas dalawampu’t tatlong bagyo na ang nagdaan sa’tin e. ‘Pag nanood ho kayo ng Discovery Channel, parang “The Planet Gone Wild” ho ata ang title noon. [laughter] Para hong tayo ‘yung gate e, ng Asia. ‘Pag tumakbo ‘yung bagyo, lahat ho dumadaan sa’tin. [laughter] Sana nga ho mayroong benefit ‘pag sa’tin dumadaan e.

Anyway ho, ang good news ho, nitong Setyembre, naitala na po natin na nakatipid tayo. Naging masinop tayo. Iniwang pondo ho sa’tin kasi, mahigit-kumulang, diyes porsiyento. Kalahati ng taon, responsibilidad ko, ang pondo hindi kalahati. Diyes na lang. [laughter] ‘Yun lang ho ang pwede nating ilipat-lipat sa pwedeng mga pangangailangan po ng gobyerno. Lahat ho ginastos na, o inobliga na. Ang maganda po, dalawang buwan pa lang tayo sa gobyerno, nakatipid na ho agad. Talagang naging masinop tayo. Nakatipid ho ng 24 Billion pesos, kung hindi ho ako nagkakamali, sa gastusin. [applause and laughter] At nagkaroon ho ng sobra sa budget. Eto po program expenditures. Eto ang ating cash positions. Sobra nang mahigit isang Bilyong Piso. (“Woww”) Siyempre pangalawang buwan pa lang ho ‘yan. Bigyan pa ho ninyo kami ng konting oras, palalakihin pa ho natin ‘yan. [applause]

Ngayon, tutal naman ho nag-aalok na kayo ng tulong eh, sasamantalahin ko na rin. [laughter] ‘Yung ating industriya ng garments, dati ho umaabot halos ng dalawandaang-libo katao ang nakikinabang diyan. Empleyado lahat ng konektado sa industriyang ‘yan. Ngayon po nasa 180, 000 na lang. Namamatay na po ang industriyang ‘yan. Ba’t ko ho nabanggit ‘yan? Mayroon ho kasing panukalang batas. Ang pangalan po’y “Save the Industries Act” o “Save Act.” Ito po’y nasa kongreso ng Estados Unidos. Ano pong hinahabol nitong batas na ‘to? Dito po sa Amerika, maraming po ‘yung textiles t’saka yarns, ‘no, na industry, na maraming textile, maraming yarn, walang magtatahi. Sa Pilipinas naman po, maraming mananahi, wala namang pantahi. [laughter]

So ‘yung mga nasa industriyang ito, nagkaisa, nagkasundo, at naipasok at kumausap nang maraming kongresista’t senador para isulong ‘tong panukalang batas na ‘to. Pero alam naman ho ninyo sa demokrasya, alam naman ho ninyo sa Estados Unidos, ‘pag hindi natin kukulitin ang mga miyembro ng kongreso ay baka maiwan ‘to. Pero ano hong mapapala natin? Isipin ninyo kapalit. Susulat kayo sa kongresista’s senador ninyo. Ilang minuto ho iyon? Mga dalawa, tatlong minuto siguro. Isama na natin ‘yung pagkabit ng selyo’t ilagay sa mailbox. Bigyan na natin ng isang minuto pa. Sabihin na nating limang minuto ‘yung buong proseso. Ano kapalit ho noon? Tinataya ko ‘no, sa loob ng dalawang taon, dalawandaang milyong dolyar na US fabric ang mabebenta, at ‘yung amount na ‘to ay pwede pang lumaki ng 500 Million in five years. So, ang hinahabol pang dagdag, magkakaroon ng dagdag dalawang libong trabaho dito sa Amerika. Pero sa Pilipinas ho mas matindi. Dalawangdaang libong trabaho ang make-create. [applause]

Baka pwede nating mapadama, malapit na po eleksyon eh, ‘di ba? Kailangan nating maipadama, third largest migrant community, kung hindi ako nagkakamali, ang Filipino community. Ngayon, kung paramihan lang ng asosasyon at organisasyon, talo natin silang lahat. [laughter] Pero baka naman dito, pwede tayong magkabuo, ‘di ba? Limang minuto, tapos matatapos tayo diyan, dalawandaang libong trabaho. Sa atin, dalawang libo dito—mukha hong sulit na sulit. Pwede ko ho ba kayong maasahan? Sulatan natin ang ating mga kinatawan. [applause] Baka naman ho sakaling may sobra pa kayong oras. Gusto niyong imungkahi sa iba pa nating makakausap. Hindi naman ho kailangang Pilipino, ‘di ho ba? Pwede naman hong ibang pinanggalingan, at makakadamay natin, maisulong ‘to sa lalong madaling panahon. Baka naman ho kasi ‘pag naipasa itong batas na ‘to, ‘yung 180,000 na natira e, baka wala na rin po. ‘Di ba? So kailangan, seryosong seryoso po. Kailangan naming ma-mobilize ang inyong tulong, dahil ito lang ho ang paraang para maging batas itong panukalang-batas na ‘to. So pwede ko ho bang asahan ‘yan? [applause in agreement with the President]

Hanggang ngayon ho, hindi ko pa rin masasagot ‘yung tanong niyo kung kailan ako ikakasal. [laughter] Itatanong ko na lang ho sa kaibigang Ralph ko kung gaano kasaya siya noong ikinasal na siya.

Anyway ho, eto ho siguro talagang pinakaimportanteng dapat kong sabihin sa inyo ngayon. Ako po’y huling bumiyahe, eleven years ago, kasama po si Presidente Estrada noon sa kanyang working visit dito. Noong ako’y kinukumibinsi na bumiyahe, sabi ko po sa ating Economic Managers, “Wala na nga tayong pera bibiyahe pa tayo.” ‘Yung kakaunting natira dito, lalo pang mababawas. Tapos, ipinaliwanag po niya sa atin—marami tayong pagkakataon dito. Alam ho niyo kasi, hindi natin maiiwasan, kung dito ho maraming organisasyon, sa Pilipinas ho marami. Kanya-kanyang interes rin e, ‘no? Isipin ho niyo, ‘no? Kakatapos lang ho namin na ako po’y nag-witness, pagpirma po ng Millennium Challenge Corporation’s Grant to the Philippines. Magkano po ‘yun? Four hundred thirty million dollars grant po. Wala po tayong babayaran. Hindi po ito utang. Tulong ng mamamayan at ng Estados Unidos para ayusin po ang ating BIR, para doon sa Kalahi-CIDSS program. Para rin po sa mga kalsada’t tulay ng dalawang probinsya ng Samar.

Ngayon ho, ‘yung bago ako umalis o kakarating ko ho dito, mayroon hong mga bumabatikos sa’tin. Bakit ho raw ako bumiyahe? Gagastos ng 25 Million Pesos. Sabi ko, “Alam niyo, gagastos tayo ng 25 Million Pesos, mag-uuwi tayo ng 430 Million Dollars.” Mukhang maganda na ‘atang palitan ‘yun. [Applause] Eh, hindi lang naman ho doon natapos. Wala na ho tayong ginawa noong dumating dito kundi makausap ‘yung ibang mga miyembro ng gobyerno’t ng iba’t ibang bansa. Pero marami rin pong mga negosyanteng nagsabi sa atin ng kanilang mga plano na magdadala ng investments at saka trabaho sa Pilipinas. Ngayon, hindi naman ho nila ako makukumbinsi pumunta dito kung isang daang trabaho lang ang pinaguusapan, ‘no? At hindi lang ho isang libo. ‘Yan ay sensitive topic ho ngayon. Eh election year, napakaraming trabaho po talaga ang iuuwi natin. Mayroon ho talagang natira na talagang gustong bumalik sa panahong na pagsasamantala sa kapwa. Kami naman po ay kabaliktaran nila. Kami po ay nabigyan ng pagkakataon dito para makasiguradong mag-asikaso tayo sa isa’t isa dahil kung tayo po’y buo, kung tayo’y nagdadamayan, kung tayo’s nag-aasikaso sa pangangailangan ng lalo na ang pinakakaunti ang kakayahan sa buhay ay wala talaga tayong patutunguhan kundi pa-angat nang pa-angat nang pa-angat. ‘Di ho ba? Ngayon pa lang po, lagpas dalawang buwan pa lang tayo sa pamamahala. ‘Yung stock market ho natin, minsan nga ho, nakakakaba nang kaunti na ‘yung dati ho na 4000 na level para bang the unreachable star, kung kakantahin ng tatay ko. Dahil 3700 pa lang nagpapalakpakan na  ‘yung index naging 3800 lalong pumalakpak, naging 3900 pumalakpak nanaman lalo. Niyaya ako ng Stock Exchange pumunta ka na baka mag-correct, yung correct ho bababa eh, at baka ako pa malas. So pagdating ko po doon, sabi nila pakikampana etong ating bell. Kung pwede pinakamalakas na kaya mong gawin. Nag-aalala nga ako at baka mapigtas na ‘yung tali at saka ‘yung kampana pero pag-alis ko po, nilagpasan ‘yung 4000 naging 4011. [applause] Nag-correct ho nang kaunti. Susunod na araw, dalawang araw 4013, ngayon po ay nasa 4087 na. Tanda po ‘yan ng kompyansa na paganda na ang sitwasyon sa ating bansa. ‘Yung ating pong Global Peso Bond offering. First time, normally ‘pag uutang ka, Dollar din ang denomination or Euros or Japanese Yen. First time po piso, piso ang inilagay doon. Piso ang hiniram. Piso ang ibabalik natin.  One billion dollars po ang halaga. Thirteen times oversubscribed. Ibig sabihin po, kada isang bond, labing tatlo ang naghahabol sa bond na ‘yan.

Pero mayroon ho talagang ibang mga tao, eh ‘di ba? Malungkot sila ‘pag pasaya ang Pilipinas. Masama ang loob nila habang gumaganda tayo. Sila po ‘yung crab mentality. Sila ‘yung pinaka malaking crab. Alam niyo ho ba ‘yung kwento ng crabs? ‘Di ba ho ba medyo luma na ho pasensiya na ho sa mga nakarining ah? Dito, kaso sa America nangyari ‘yun, mayroong dumating, mangingisda, crabs ang hinuhuli. Mayroon siyang isang batya ng alimango. So nakita ho ng katabi niya sa bar. Umiinom pa eh. Umiinom sila sa bar. Sabi niya, “Hey buddy, your crab is about to escape the pale.” Umaangat ho kasi. Sagot ho nitong mangingisda, “Don’t worry. They are Filipino crabs.” [audience laughter]

Noong una ko hong narining ‘yan, ‘di ko gets. Ibig sabihin po pala noon, ‘di ba? Kada may umaangat may hahatak. Dito ho sa America, nangyari ‘yan. Masakit ho in-export ibinalik sa Pilipinas ah. Maganda na nga ang takbo pero sa kanila, ‘di ba, ‘yung hindi niyo nagawa na halos isang dekada, sa dalawang buwan marami-rami na kaming nagawa, hindi dahil sobrang galing namin o di hamak mas-guwapo kami sa inyo. Pero dahil kasama namin ang taong bayan – number one at number two, tama ang direksyon po namin na itinalaga kami. [audience applause] Hindi ko ho kayo nakikita masyado diyan sa taas. Pasensya na ho kayo malakas ho itong spot light eh. Pero ang punto nga ho noon, ano, hindi sila titigil. Pangakong-pangako ho nila pagkatapos ng isang daang araw ng aking panunungkulan, hindi nila ako tatantanan. At ang mga kasamahan ko sa administrasyon na ito na babanatan kami nang babanatan at wala na silang pakialam kung masmaganda pa pakinggan ‘yung kwentong kutsero. Talaga hong siguro ho bago matapos ang taong ito, kasama na kami sa mga pumako kay Hesucristo sa krus, ‘no? Baka naman ho si Hudas Barabas ay pinalitan namin? Dahil nga ho siguro guilty na rin ho, eh may pagkakataon kayo.  Termino po ng Presidente, anim na taon po hindi ho ba? Sila halos sampung taon. Paulit-ulit ‘yung pagkakataon at saan tayo dinala? ‘Di ho ba, kaya nga itinayo ho namin ang Truth Commission-hanapin nga natin kung ano ba talaga ang pinaggagagawa niyo para masigurado natin? Number one, ‘yung may kasalanan magkaroon ng kaparusahan. Pangalawa, ‘yung mali hindi na maulit. Mayroon hong bumubulong sa likod ko eh. Baka akala mo tapos na ‘yung araw mo, may lakad pa tayong isa. [audience laughter] Sa totoo lang ho, ano? Sabi ng mga kapatid ko noong kampanya raw ho, hindi ako pinapatulog. Totoo po iyon. Hindi po ako pinapakain. Madalas po memorize. Bagong hybrid rice ‘yan eh, ala-ala na lang. Nagugulat sila. Alam niyo naman ‘yung kampanya sa atin. Hindi naman lahat may internet connection. ‘Yung ating mail hindi ho naman nakakarating lahat ng sulat. Kumbaga halos lahat lalapitan mo. Bawat isang Pilipino… at hihingin mo ‘yung boto niya. Ngayon ho, nagtataka ‘yung iba. Bakit ho parang ang lakas-lakas ko at talagang naramdaman ng mga kapatid ko basta nakahalubilo ko ang mga kababayan ko? Lumalakas po ako talaga kaya MARAMING MARAMING SALAMAT [audience applause]

[inaudible audience comment]

Hinding-hindi ho natin makakalimutan ‘yan. Bottom line ho, ano, noong unang gabi ko ho dito, nakakatulog kami nang mahaba. Four hours [audience laughter]. Kagabi naman po [inaudible] Ang masakit ho, pinatulog ako, dalawang oras ginising ako. Sabi ko, bakit ako gumigising,ano? Kakapikit ko lang, at aaminin ko ho sa inyo, may mga parte ho noong araw. Etong araw po kasi labing tatlo lakad namin eh. So, at hindi naman ho biro ‘yung mga nakakausap natin, ano? Inumpisahan ako ng Wall Street Journal. Sinunod si Henry Kissinger. Puwede ba naman ho tayong tutulog-tulog habang kausap. [audience laughter] Ngayong gabi po, si Secretary of State Hillary Clinton alangan namang hihikab-hikab ako sa kanya kakausap, ano? [audience laughter] Siyempre, kinakatawan natin ang Pilipinas. Mahihiya naman tayo baka naman itulak niyo ako sa Hudson River. [audience laughter] Pero, ulit-ulitin ko lang mga kapatid, ako naman po ay nanirahan din sa America nang kulang-kulang mga dalawa’t kalahating taon. At noong panahon natin, problema ho doon, ‘di ka tiyak na makakauwi. Kayo ho, iniisip niyo ‘yung Green Card. Ako ho passport lang eh…dahil pagdating ho dito ay in-invalidate na ho lahat ng passport namin eh. At sa winter po sa Boston, ang advertisement po galing sa Florida, warm breeze and palm trees of Florida habang nangangatog po ako doon sa bahay namin na ginawa noong 1927. Iyong bang itsura na punong nagse-sway, naalala ko po ‘yung Pilipinas. Tapos mayroon hong isang Pilipina. Asawa po ng doctor. Kapitbahay po namin dati doon sa Boston. Nagluluto ho ng kutsinta. Ang problema ho, isa lang siya na nagluluto noon. So lahat ho kami tagalawang piraso. Tagalawang piraso ho kada taon. Kaya huwag ho kayo magtataka kapag darating ang araw na makakakita kayo ng litrato. Basta may kutsinta ho. Parang ako automatic na bibilihin ko ho iyon. So natikman ko na ho lahat ‘yan, ‘yung may food coloring, ‘yung walang food coloring, ‘yung may niyog na recycled, ‘yung bagong niyog—lahat ho niyan okay po sa atin ‘yan. So, ano ho ba ang pinupunterya ko? Kaya ho kayo umalis ng bayan natin, karamihan ho ano, dahil nga sinasabing no choice. Naobliga kung gusto niyong umasenso, kailangan niyong hanapin ang kapalaran niyo sa ibang bansa. Kami po pinilipit namin na kung sakasakali lilikas sa ating bansa po dahil gusto, as opposed to napilitan. ‘Yan po ang tinatrabaho namin diyan. Kayo po nagsacripisyo nang napakalaki. Nagsakripisyo para sa inyong sarili, sa inyong pamilya. Hihirit na po ako. Papakapal na ako ng mukha. Siguro pampalit na iyon ng panipis na nabuhok, ano? [audience laughter] Kung pepewede po, kaunti pa pong dagdag. ‘Yung bayan po natin umaahon na po pero hindi pa po nakaka-ahon. Kailangan po kayo. Sana po damayan po natin ang ating inang bayan. Magandang gabi po. Maraming salamat po.


Share on social media