Extemporaneous remarks of President Aquino, Vietnam, October 27, 2010

Extemporaneous Remarks

OF

PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III

DURING A MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY IN VIETNAM

[October 27, 2010]

Kagalang-galang na Ambassador natin, Jerril Santos, Mr. Ramon Tapusin, President ng Pinoy sa Hanoi; rhyming pa po talaga, Mr. Jun Torres ng Pinoy sa Vietnam, Mr. Jerry Paglinawan; datirating honorary Consul sa Lungsod ng Ho Chi Minh, ating pong mga miyembro ng gabinete, mga kasama ko po sa aking delegasyon, mga minamahal kong kababayan, magandang tanghali po sa inyong lahat.

Kagabi po ay binigyan tayo ng isang banquet, State Dinner po dahil sa State Visit natin, at talagang isang parte po doon e cultural presentation. Nagulat po kami at napakaraming instrumento. Tila may katugma sa atin sa Pilipinas. Mayroon po, siyempre, ‘yung mga kawayan na ginawang flute, ‘no? Mayroon po ‘yung, kung nakita niyo po ‘yung Pangkat Kawayan e, ‘yung ginaganoon nila sa kamay, ‘yung dito pong version ay ginawang piano. Pero pareho ‘yung prinsipyo, ano? May tumatama doon sa kawayan na parang percussion na instrument. Nakaka-impress po ‘yung kanilang mga stringed instrument na one string na ang dami-daming notang nagagawa. Tapos, tumugtog din po sila ng mga awiting galing sa Pilipinas.

Pero lalo akong na-heighten. Alam niyo, titignan po natin ‘yung flying time. As you know, from Manila to Ho Chi Minh is about two hours. Just pointed out that from Manila to Davao, is actually two hours din. Talagang ang lapit; talagang napapag-isip ka—dito kaya ay land bridge noong araw o talagang marami tayong masasabing kapareho dito sa ating mga kapatid sa Vietnam at tila marami nga po yata? Pati sa problema, pati na din sa dami ng tao. Higit kumulang po e 90 million sila. Tayo naman po ay hindi nalalayo eh. We’re from 93-97 million.

Ang kagalang-galang na Pangulo na si Nguyen Minh Triet na aking pong close friend na ngayon, sa New York kami nagkakilala, napaka-warm na tao po talaga. Sabi niya, dahil may kakwentuhan sila sa Amerika, nakalimutan ko kung sinong delegate ng ASEAN. Tapos, napag-usapan nga ‘yung bagyo, dahil nakwento ko nga sa kanya. Dito daw po sa Vietnam mga sampung bagyo kada taon. So, sabi ko po sa kanya, “That’s why you owe us ’cause we shield you from the other thirteen that pass by the Philippines.” So, tawa siya nang tawa doon.

Sagutin ko po muna ‘yung mga tanong. Number one, ‘yung talagang noong galing po sa Amerika. ‘Yung piloto po ng PAL, sabi sa akin, “Thank you for wanting to be President.” Sagot ko po sa kanya, “Maghanap po kayo nang saan man na ginusto kong maging Pangulo lalo na’t tapos ni Ginang Arroyo. Napakarami pong problemang iiwan.” Naalala ko ‘yung panahon ng nanay ko, minana kay Ginoong Marcos, tapos eh, hindi po talaga madali na maibalik sa dati. Pero, ano na po ba ang nangyari simula noong tayo ay naupo?

‘Yung isa pong very proud kami, ‘yung tinatawag nating private-public partnerships. ‘Yung Department of Agriculture nangangailangan ng isang instrumento. Ang halaga P60 million. Mayroon pong sumulat na isang propesor sa isang dalubhasa ata doon sa Maynila at sinabing, “Tila hindi yata tama ‘yang kontratang ‘yan. Masyadong mahal. In-over specify para paboran ng isang kumpanya.”

Sa DOST pinadala nating ‘yang request at sinuri natin sa lab. Kinalabasan sobra-sobra ‘yung specifications sa pangangailangan. Nakatipid tayo ng P30 million sa isang proyekto lamang dahil nakipagtulungan ‘yung taong bayan at ang gobyerno. ‘Yung miyembro ng taongbayan naniwala sa atin; binigyan tayo ng pagsubok at palagay ko naman ay nalagpasan natin iyan.

Sa Department of Public Works and Highways parati pong sinasabing most graft and corrupt agency. In fact, the top most, it’s always in the top three. Ngayon po, sa pangangasiwa ng Kalihim na si Babes Singson, mayroon silang ginagawang iba’t ibang bagay. Unang-una po, Mayroong 3.5 billion para sa Ondoy and Pepeng rehabilitation. Noong mga huling araw at less than ten days na lang ang natitira sa nakaraang administrasyon, ay minabuti po nilang magkaroon ng negotiated bidding for about a billion to 3.5 billion. Ang negotiated doon hindi na dumaan sa bidding. Talagang nagkasundo na lang sila. So hininto, pagkahinto, inire-bid natin to, at nagkaroon ng paligsahan kung sino ang pinakamagandang kontratang puwedeng magbigay. Nakatipid tayo sa halos isang bilyon na ‘yun na hindi bababa sa kulang-kulang 33% about 300-400 million of a one billion contract for sale.

‘Yung savings na ‘yan, puwede nating dalhin sa ibang mga bagay na may pangangailangan tayo. Dagdagan ko pa ho. Mayroon pong tinatawag na slope protection fund. It’s P3.5 billion a year para sa kalsada, tabi ng bundok, kailangang protektahan ‘yung slope para hindi isara ‘yung kalsada, okay.

May Filipino technology at dito kalaban naman natin ang Vietnam. ‘Yung coco coir, parang ganoon po. ‘Yung buko kukunin ‘yung parang mabubunot niyo, parang fibers, ‘no? Gagawa ng lubid; gagawa ng damo. Mapapatong ‘yung damo dahil sa lubid na ito. So gagamitin natin ‘yan sa slope protection fund natin. Ano ang matitipid ng gobyerno? Sa P3.5 billion fund, ang matitira po ay P2.5 billion dahil ang gagastusin natin P500 million na lang para magawa ‘yung dating ginagawa. At ang kinaganda po nito— Filipino technology. ‘Yung semento po kasi alternative semento. Hindi sasabay sa lupa ‘pag ‘yung namamaga o lumiliit dahil nga sa temperatura. ‘Pag gumalaw-galaw ‘yung lupa. Basag si semento; ‘pag nabasag, bagong kontrata. So every year ulitan ng ulitan. Hindi na nga po talaga dadami. So ang ginawa po ng technology na ito, nakasabay siya, dahil nakakasabay siya, baka take one lang ayos na. Tinesting po ito sa Halselma Highway. Ibinigay sa kanila ‘yung pinakaparte na parating gumuguho ‘yung lupa. ‘Yung ginawa po ng coco coir wire technology, nanatili. ‘Yung ginamitan ng konkreto, tabla shack gris, nakaapat o limang beses nang inayos.

Ang dulo po niyan, Filipino technology na, makakatipid pa tayo ng two and a half billion pesos in the process. Isipin po ninyo gaano kadaming eskwela ‘yan?

(Applause)

Sabi po ng ating Kalihim, basta ‘wag lang masyadong maraming interes ang makikialam sa kanya, tinataya po niya na pwede po tayong umabot ng… Pagbaba po natin sa 2016, lahat po ng kalsada natin ay concretized na.

(Applause)

Then, madagdagan ko, sa negosyo naman po. ‘Yung Stock Market natin ay talagang nag-record high nanaman po bago tayo umalis. Noong hindi kalayuan akala nila ‘yung 4000 na Stock Index ay hindi maaabot. Minadali ako ng isa sa mga director, sabi, “Magpunta ka na dito dahil syempre magko-correct ‘yung market. Baka naman ‘pag dumating ka bumababa na.”

(Laughs)

So, dumating po tayo, awa ng Diyos, ‘yun ‘yung palapit na po tayo sa 4000. So naabot po ‘yung 4000. Nalampasan na po ‘yung 4000. Para pong hagdanan e, aangat, bababa po nang sandali, aangat ulit at pataas ng pataas. Ngayon po ‘yung nangangamba na baka bumaba at hindi ako makarating, eh 4000 po dati ngayon masyado nang optimistic na aabot po ng 5000 ‘yung index. Dati po hindi maabot si 4000, ngayon 5000. Hindi ko na po sasabihin ‘yung ibang prediction ng ibang mga tao. Basta po isa sa best performing Stock Markets po ngayon ‘yung ating Stock Exchange.

(Applause)

Nagpunta po tayo sa Amerika. Sa Amerika ‘yung ating Economic Team sabi ko, “Alam niyo, gagastos tayo. Amerika ‘yan e, malaki.” Pero, mababa pala ang Pilipinas. Eh ‘di pag-uwi naman po natin, ‘no? Ginastos po kasi natin diyan mga P25 million. Ang inuwi po natin eh $2.4 billion in investments, 43,600 jobs, may 430 million grant na Millenium Challenge Corporation. Ang pangako po sa akin, ‘yun lang po ang umpisa dadagdagan pa. So, palagay ko, sulit na po ‚yung nagastos nating P25 million.

(Applause)

At doon naman po siguro iyung problema. Mayroon po talaga tayong mga kababayan na nakinabang sa dating kalakaran na ayaw na pong pumayag magbago dahil nakakalamang sila. Sila po ang kalaban natin ngayon. Sila po ang dapat ihatak natin sa tuwid na landas pero talaga naman pong mayroong iba na talagang nakuntento sa pagsasamantala. Gustong manumbalik iyung sitwasyon na magsamantala sila ulit. Kinalimutan na habang nananamantala sila; kinakawawa ang nakararami sa atin at iyun po ang nilalabanan natin.

Tignan niyo na lang po iyung nangyari sa Korte Suprema po natin ngayon, ano? Iyung kanina po sa dyaryo, sa Maynila, isang maliit na dyaryo, maliit dahil kakaunti iyung nagbabasa. Mayroon na pong bumatikos sa atin. Malinaw po iyung payong binibigay sa akin; hindi raw ako nakikinig sa taongbayan at binabatikos iyung mga Executive Orders. Bigyan ko kayo ng isa. Iyung eight, kung hindi ako nagkakamali, mayroon tayong natuklasan na kaliwa’t-kanang mga government-owned and controlled corporations dahil may itinalagang mga direktor. Ang trabaho ng direktor, government owned nga e, ‘di ba? Ano ba ‘yung government; eh ‘di taong bayan ‘yan. Sinong may-ari ng kumpanya? Taongbayan. Ano ang papel ng direktor? Bantayan mo ‘yung interes ng taongbayan. Ano po ang ginawa nila? Yumaman po sila. Nabasa niyo naman po siguro, MWSS among others, ‘no? So, naglabas tayo ng isang Executive Order. Sa totoo lang po, 2001 naglabas si Ginang Arroyo ng parehong Executive Order. Nililimita ang puwedeng maging suweldo, honorarya, per diem, at iba pang benepisyo ng mga tinalagang tagabantay ng kaban ng bayan. Eh, hindi naman po in-enforce. Kaya nga po hindi lang milyon ang pinag-uusapan na taon-taong kinikita ng bawat director—milyon-milyon. At saan nanggaling iyun? Doon sa kaban ng tao na dapat sanang mapakinabangan ng taong bayan, hindi po ba? So, mali po kaya ako nang naglabas kami ng Executive Order na sinasabing tama na ‘yang pananamantalang ‘yan? Palagay ko po nasa lugar tayo. Kami po ay naglilingkod sa taongbayan; ang interes nila ang pinapangalagaan. Ngayon nga po, may nagsabing mali ‘yung ganoong klaseng Executive Order at hindi kaalinsunod sa gusto ng taongbayan. Kawawa naman po ‘yung nag-iisip nang ganoon.

(Laughs)

‘Yung sa request po sa Konsul, ‘no? Ang pagkaintindi ko kay President Triet kahapon, ang laki ng economic activity both in the agriculture, manufacture, industrial, in Ho Chi Minh City. And if we do not have a growing community here, we don’t have a consulate to protect our citizens here. Then that has to be really looked in to.

Marami na po tayong efficiencies na na-introduce sa gobyerno. Efficiency translates into savings. Savings can be utilized when there is a need. Hindi ko po muna ipapangako sa inyo na next week o bukas na ‘yun. May proseso pa pong dadaanan. Pero talaga naman pong nakita nating may kadahilanan. Bakit nga po hindi natin gagawin ‘yan? Yung… Sorry nakalimutan ko ‘yung pangatlo. Sa Peso-Dollar exchange rate, ‘yung what you would want is what is called a stable exchange rate. Meaning kung may fluctuation—manageable. Hindi ‘yung sobrang taas isang araw, sobrang baba sa susunod, ‘no? Kailangan mo talaga ‘yung tinatawag na predictability. ‘Pag may negosyanteng papasok, alam niya ‘yung gastos niya. Alam niya ‘yung kikitain niya. Gaganahan siyang pumasok. So the Bangko Sentral has been defending the Peso. Kaya it has been intervening in the marketplace to preserve the value of the Peso within a specific range and it has been successful. At the same time, it is in a position to do so because our Gross International Reserves that are record high, and siyempre gusto nating balansehin ang interes ng lahat. Iyung remittances, bababa ang halaga versus ‘yung ating ie-export tataas naman ang pagbili. So, we are trying to grow a manufacturing base.

Alam naman po niyo, panaginip natin, inaasam-asam natin ‘yung aalis ang Pilipino sa Pilipinas, hindi dahil naoobligang umalis pero ginustong umalis. ‘Pag gusto mong magtrabaho sa Pilipinas dapat mayroon. ‘Pag gusto mong magtrabaho sa abroad for whatever reason dapat tulungan ka din ng estado. Pero ‘wag naman po ‘yung ang dami nating kababayan, tinatayang sampung milyon na po ang OFW, ‘no? Alis nang alis dahil wala nga pong mapatunguhan sa atin. Ano po ‘yung sampung milyon? Ang computation natin 93, gawin nalang po nating 90 dahil wala akong dalang calculator, e. Middle age po is 17, so kalahati ng kababayan natin 17 and below, kalahati above 17, so 45. ‘Yung 45 tanggalin mo na ‘yung may karamdaman, ‘yung nakulong, etc, baka 40. ‘Yung 10 million na part of the labor force, ‘no, is 25% of our entire labor force, roughly. Napakalaki naman po yata ng mga kababayan nating wala sa Pilipinas. Tapos ‘yung effect sa kanilang mga pamilya, lalo na ‘yung mga pamilya na iniwan ang mga bata, parehong magulang wala doon.

Siyempre may pagbabayaran tayo as a society down the line, kung walang naggagabay. So, hahamunin po natin ‘yung first item po sa ating plataporma is job generation. So we will strive, ‘no, to make sure that there are lots of jobs in the country and when you leave the country, it is by choice and not by necessity.

(Applause)

Dito po sa Vietnam, madami tayong matututunan but the least of which is ‘yung strength of character, unity and determination as a people. ‘Pag tinignan niyo po ‘yung ruta from Hanoi to Ho Chi Minh at may minano-mano pong dalhin ‘yung kanilang kagamitan noong panahon ng digmaan dito na wala naman pong kalsada maliban na lang ‘yung Ho Chi Minh trail na tinatawag. ‘Yung focus na para sa bansa, para sa bansa dapat po yata nating gayahin ‘yun. Hindi po ‘yung imbes na dapat malasakit para sa bansa, sa atin po mayroon pa rin talagang malasakit para sa bulsa e. (Laughs)

Malasakit sa kapwa. ‘Yung kapwa po nila pinakamalalim na kapwa nilang anak, kapwa nilang kamag-anak. Nabawasan ‘yung kapwa e. So ‘yung we will strive to do our utmost and I’m gifted with a very good Cabinet who are as dedicated if not more dedicated than me. Who have already committed a minimum of two sounded to six years to finish this. ‘Yung, aminin ko po sa inyo, mapapalitan ba natin ang kultura natin, sistema natin sa susunod na anim na taon? Hindi naman po siguro kakayanin lahat. Pero ang inaambisyon po namin napakalaki na ng inilaktaw natin. Sinanay na natin ang mga kababayan natin na ito ang pwedeng asahan sa kanilang gobyerno, oobligahin kung sino man ang papalit na puwedeng ipagpatuloy ‘yung magandang nasimulan na po natin. ‘Yun po ang inaambisyon po natin at nag-uumpisa na pong nangyayari. Ang dami pong good news. Pasensya na po kayo. May kasabihan tayo, hindi pwedeng sabihin baka mausog. (laughs)

‘Pag nasa Maynila na po at saka mga probinsya na po natin, dumating na ‘yung tinatayo na… puwede ko na sigurong i-announce pero madami po talagang implications sa ngayon e. ‘Yung sa Amerika po, nalalapit po ‘yung eleksyon nila napaka-sensitive nila doon sa nawawalang trabaho. Tapos, magsasabi tayong may darating galing sa kanila. Eh baka naman hindi matuloy. So, dito po talaga ‘yung pinipilit nating araw-araw na ‘yung gobyerno iisa lang ang dahilan kaya naitayo— paglingkuran ang taong bayan.

Kailangan pong maipakita ng gobyerno e talagang nagmamalasakit, nag-aaruga at tumutulong na ipalabas ang buong kakayahan ng lahat nating mga kababayan. Mayroon pong mga nagbabalat-kayo na mga kasama namin dito at sila naman po ang pupunteryahin ko sa mga susunod na linggo. Baka akala nila hindi ko nalalaman ang ginagawa nila. Ako po ay binata pa. Kaya madami akong free time. (Laughs)

Madami akong panahong pagtiyagaan sila at magsa-sample nga po tayo. There have been a lot of accomplishments. I’m really still not comfortable in telling each and everyone, “Look, you should clap for this because I did this and I did that.” No, I think I’m fulfilling my promise to everybody that there will be substantial changes in our country and in our governance and especially in the conditions of our people. And, if we are successful in fulfilling our promises, that I think, is reward enough. So, with your help and dedication you’ve done for your families, for your country, we thank you. We hope that this will sustain you through your difficulties that are  undoubtedly will come in the coming days. But be secured in the fact that your government is fully cognisant of the fact that it was set up to serve you and not the other way around. We are at your call; tell us how quick we can be of better service to you and to each and everyone. Again, thank you and good day.

Stay up to date with your government.

Subscribe Now
Share on social media
More from the Briefing Room