Statement of National and Economic Development Authority Director General and Socioeconomic Planning Secretary Cayetano Paderanga:

On the 2009 poverty statistics

[Released on February 8, 2011]

The Philippine government, in its effort to provide timely, reliable and relevant statistics for decision-making, has introduced refinements in the current method of estimating poverty statistics.

Poverty statistics are not static and its refinement is a continuing thrust to better reflect recent or changing phenomena in the quality of life of Filipinos, especially in the countryside.

Thus, the National Statistical Coordination Board’s (NSCB) Executive Board, over the past decade or so, came up with activities and resolutions aimed at revisiting and then revising the estimation of poverty statistics.

The Technical Committee on Poverty Statistics, created in 2003, was tasked to review and assess the issues and problems of current poverty indicators and provide expert advice on an efficient system of national poverty estimation. The proposal of a refined method was validated through various consultations and forums in local government, regional and national levels.

This refined method that we are pioneering in the country includes the computation of annual per capita food threshold through food bundles per province rather than on a per region basis. Moreover, the method uses a benchmark for non-food basic needs that is comparable over a certain period of time and space. It also includes changes in the estimation of the poverty threshold and incidence and other measures of poverty.

These new features in the method, aside from providing a more focused and better picture of Philippine poverty, are also important for monitoring the Millennium Development Goals.

We recognize, however, the significance of also presenting the poverty estimates using the previous method to ease the transition to the refined method and to keep certain comparabilities. We will provide parallel estimates using both the former and refined methods for data up to 2012.

For the 2003, 2006 and 2009 data, the levels vary but the poverty trend is the same using both methods.

Even with these current refinements in poverty estimation, we will review the method regularly.

With this development, we are more confident that we have poverty estimates that would provide policymakers a more accurate picture of the poverty situation. This would help in the effective implementation of programs and projects by targeting who needs assistance the most and re-channel resources to cover intended beneficiaries.

Sa aming pagsisikap upang mabigyan ang taumbayan ng mga estadistika na naaayon at napapanahon, ang gobyerno ay nagsimula nang gumamit ng pinapinong pamamaraan sa pagtukoy ng kahirapan sa Pilipinas. Ito’y dahil kailangan nating matukoy nang mas tiyak ang tunay na kalagayan ng buhay ng mga Pilipino.

Sa nakalipas na halos isang dekada, ang National Statistical Coordination Board (NSCB) ay nakapagsagawa na ng mga hakbang upang masuri at marebisa ang paraan ng pagtukoy ng kahirapan. Isa nito’y ang pagbuo ng Technical Committee on Poverty Statistics upang matutukan ang mga isyung pumapalibot sa estadistikang pangkahirapan. Ang planong pagpipino ng pagsusukat ay ikinunsulta sa iba’t-ibang sector ng lipunan.

Ang bagong pamamaraan na ito ay gumagamit ng mga “provincial bundles” sa halip na “regional bundles”. Ang ibig sabihin nito ay sa komputasyon ng estadistika ng kahirapan gagamitin na basehan ang sitwasyon sa probinsya sa
halip na buong rehiyon.

Sa pamamagitan rin nito ay maihahambing ang mga datos sa mga nakaraang taon at sa iba’t-ibang lugar. Ito rin ay paraan ng gobyerno upang masubaybayan ang pagkamit ng Millennium Development Goals.

Ngunit, isinaalang-alang din natin ang kahalagahan ng pagpapakita ng estadistika na ginagamit ang dating pamamaraan ng pagsukat ng kahirapan. Ipapakita namin ang datos ng kahirapan hanggang 2012 na ginagamit ang dalawang pamamaraan ng pagsukat.

Sa ngayon, gamit ang dalawang pamamaraan, para sa datos ng mga taong 2003, 2006, at 2009, magkakaiba ang antas ng kahirapan ngunit ang direksyon o “trend” ay magkaparehas.

Sisiguraduhin natin na kahit may nabago na sa kasalukuyang pamamaraan ng pagsukat ng kahirapan, ay patuloy pa rin ang pagsusuri dito.

Sa kaganapang ito, kami’y mas kampante sa pagbigay ng mapagkakatiwalaang datos at imahe ng kalagayan ng kahirapan. Ito’y makakatulong sa mabisang implementasyon ng mga programa at proyekto ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga taong mas nangangailangan ng tulong.  Maililipat din ang mga “resources” sa gusto nating mabigyan ng suporta.

neda.gov.ph

 
Share on social media