An October 25, 2011 press release from the Philippine National Police

As the Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor A. Bartolome sets security preparations through Letter of Instruction (LOI) 41/2011 (All Saints’ Day and All Souls’ Day), LOI 25/2002 (PNP Action against Attack on Government/Public Vital Installations), and PNP LOI 13/2011 (SANG-INGAT-CHARLIE), the PNP leadership reminds the public to be more vigilant and alert as annual special events like All Saints’ Day and All Souls’ Day are expected to bring an influx of people in the different areas of convergence like cemeteries, malls, transport terminals, and train stations, as well as major thoroughfares and roads leading to the provinces.

With this, Police Director General (PDG) Bartolome has issued and reiterated crime prevention and safety tips for the public to keep them aware of their security.

“Every member of the community plays a vital role in our aim to maintain peace and order and security in our country as the All Saints’ Day and All Souls’ Day nears. Our Crime Prevention and Safety Tips are just one of the things that our people can do to prevent or reduce their chances of becoming a victim of lawless activities and criminals,” PDG Bartolome said.

PDG Bartolome has ordered the conduct of random mobile checkpoints, and foot and mobile visibility patrols in accordance with the Police Integrated Patrol System to prevent criminals in executing their lawless activities. “Security patrols in residential areas will be also enhanced with the support of volunteers or force multipliers to prevent break-ins and akyat-bahay,” the PNP Chief added.

The PNP Chief has also instructed the Directorate for Police Community Relations to orchestrate the active participation of radio groups, accredited nongovernment organizations, and community-based volunteers in providing traffic management, road safety, and community watch during the celebration and reminiscence of our dear family and friends who passed away.

 CRIME PREVENTION AND SAFETY TIPS FOR UNDAS 2011

(TAGALOG VERSION)

1. KUNG IIWANAN NA WALANG BANTAY SA BAHAY

a.            Ikandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw.

b.            Mainam kung may “burglar alarm” para ma-alerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa kabahayan.

c.             Iwasan mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob. Mainam din na iwanan na bukas ang radyo para kunwari ay may tao sa loob ng bahay.

d.            Itagubilin sa pinagkatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik.

e.            Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove, o tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances.

f.             Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan, o bisikleta o sasakyan.

2. SA LOOB NG SEMENTERYO

a.            Magdala ng sapat na pagkain at tubig inumin. Bawal ang alak at mga paninda sa loob ng sementeryo.

b.            Magdala ng pananggalang sa init o ulan.

c.             Bawal ang pagdala ng mga deadly/bladed weapons, mga malakas na loud speakers, at mga gamit pang-sugal.

d.            Bantayang mabuti ang mga kagamitan na dinala sa puntod. Tiyakin na ang mga kandilang nakasindi ay hindi makakalikha ng sakuna o sunog.

e.            Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tao. Kung sila ay nahiwalay, tiyakin na sila ay may ID o papel na sa kanila ay pagkakakilanlan.

f.             Panatilihing malinis ang kapaligiran. Magdala ng sariling trash bag na dapat iligpit pagkatapos at itapon sa tamang basurahan.

g.            Alamin ang lugar ng First Aid Station at PNP Assistance Booth para sa emergency o police assistance.

h.            Kung maglalamay, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna.

3. KUNG BI-BYAHE AT MAGDADALA NG SARILING SASAKYAN

a.            Bago bumiyahe, tiyakin na maayos at walang problema ang sasakyan, at tandaan ang mga sumusunod:

B       - Battery B        – Brakes
L        – Light A        - Air
O       – Oil G        - Gas
W      – Water  

b.            Tiyakin na kumpleto ang dokumento mo sa pagmamaneho at papeles ng sasakyan; kasama ang Insurance Certificate.

c.             Tiyaking naka-safety lock ang mga pinto at bintana lalo na kung may kasamang mga bata sa sasakyan.

d.            Sa pagmamaneho, tiyakin na palaging kontrolado mo ang sasakyan. Iwasan ang one-hand driving o paggamit ng cell phone habang nagmamaneho kung naka-inom ng alak, nahihilo, o inaantok.

e.            Kung nagmamaneho sa gabi, gamitin nang wasto ang mga headlights at signal lights. Huwag magmaneho kung malabo ang paningin.

f.             Hanggang maaari at malapit ang libingang dadalawin ngayong undas, huwag nang magdala ng sasakyan, upang mabawasan ang trapiko lalo na sa paligid ng sementeryo.

4. KUNG GAGAMIT NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN

a.            Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi. Ingatan ang cell phone at appliances na malimit dalhin tuwing undas.

b.            Iwasang magdala ng maraming gamit para maiwasan ang pagkawala ng mga ito at para hindi mahirapan sa biyahe.

c.             Mainam na maging maaga sa istasyon ng bus/tren, pier, at paliparan upang maiwasan ang siksikan at matiyak na maayos ang puwesto sa sasakyan, lalo na para sa mga kababaihan, bata, at senior citizens.

d.            Kung may napansin na kakaiba tulad ng bagahe o kahon na maaaring pinaglagyan ng bomba, o kaduda-dudang pagkilos ng tao sa istasyon, pier, paliparan, o sa loob mismo ng bus, tren, barko, o eroplano, palihim na ipaalam agad sa kinauukulan.

e.            Mag-ingat sa mga mandurukot sa istasyon at sa loob ng sasakyan. May mga nakatalagang Police Assistance Post sa bawat istasyon, pier, o paliparan na maaaring pagsumbungan.

pnp.gov.ph

 
Share on social media