VIDEO:
YouTube Preview Image

FULL TRANSCRIPT:

Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino
Pangulo ng Pilipinas
Sa ika-33 anibersaryo ng Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide

[Inihayag sa Quirino Grandstand, Luneta Park noong ika-28 ng Oktubre 2011]

Maraming salamat po. Maupo ho tayo lahat.

Brother Eddie Villanueva; Sister Dory Villanueva; Kuya Joel Villanueva; mga kasama po natin sa gabinete, Secretaries Abad and Llamas; iyong pinakanakakatanda po sa amin, si Tito Boy Umali, chairman ng League of Governors [laughter]; our local chief executives present; Mayor Jon-Jon Villanueva; and of course, ang idol po namin, pinakabata sa lahat, Mayor Edward Hagedorn [laughter]; Mayor Maria Angela Sabando of Palawan; Associate Justice Efren de la Cruz; Bishop Leo Alconga, isa sa pinakamatagal na po nating kaibigan at kasamahan; Bishop Dan Balais; followers of the Jesus is Lord Church Worldwide; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Katangi-tanging pagkakataon po na makasama ko kayo ngayon—kayo na hindi matatawaran ang tibay ng pananalig. Marahil nga po, matinding pananalig ang hinihingi sa atin ng mga panahon. Marami po ang problemang minana ng ating administrasyon, tulad ng matinding kahirapan na bunga ng salot na katiwalian. May iilan po na pinipigilan ang ating pag-usad sa tuwid na daan habang nilalabanan ang baluktot na sistema. Buti na lamang po at nasa panig natin ang nakakaraming Pilipino, kaya naman buo ang tiwala nating hindi po tayo mabibigo.

Binabati ko po ang Jesus is Lord Movement sa inyong ikatatlumpu’t tatlong anibersaryo. Sa pangunguna ni Bro. Eddie Villanueva, binibigkis ninyo ang maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ng mundo para sa paglilingkod sa Diyos at sa bayan. Salamat din po sa pagiging kaisa ng ating gobyerno sa adhikaing paglingkuran ang ating kapwa, lalo na ang mas nangangailangan. Sa ating pagtitipon ngayon, nasasaksihan natin ang pagsasabuhay ng atin pong bayanihan at pananampalataya.

Salamat din po sa ating mga mamamayan na buo ang suportang ipinamamalas sa ating pong agenda ng pagbabago. Nawa’y ipagdasal po ninyo ang ating bansa at ang ating pamahalaan sa krusada nitong tuldukan ang pagdurusa ng nakakarami nating mga kababayan; na bigyan tayo ng sapat na lakas upang gawin ang tama, upang maiparamdam sa ating mamamayan ang positibong bunga ng ating mga reporma, at maipagkaloob sa mga Pilipino ang serbisyong karapat-dapat lang naman nilang matamasa.

Napakahalaga nga po ng pagdarasal, anuman po ang relihiyong ating kinabibilangan. Hanggang ngayo’y buhay pa rin sa puso’t diwa ng mga Pilipino ang tila milagrong pagtitipon noong 1986 sa EDSA, kung saan nangibabaw ang mga dasal bilang pinakamalakas nating sandata laban sa banta ng paninikil at karahasan.

Ang salita ng Diyos pa rin ang pinakamabisang gabay sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa-tao; sa pagsasantabi ng sariling interes para sa interes ng nakakarami; sa pagmamalasakit sa kapwa, at sa pagiging bukal ng pag-asa sa panahon ng pagdurusa. Sa mga pagkakataong nagpapatalo tayo sa poot; sa mga sandaling tumututok tayo sa mga bagay na sanhi ng pagkakawatak-watak, sa halip na ituon ang pansin sa mga bagay na nagbubuklod sa atin; sa mga panahong isinasara natin ang ating puso—iyan din po ang mga panahong lumalayo tayo sa paglingap ng Panginoon.

Hangga’t nandiyan po kayo, ang inyong suporta, pagmamahal, at pagdarasal, hindi tayo papatinag sa mga pilit nagtatanim ng pagdududa sa mga hakbang natin sa tuwid na daan. Nasa panig po natin ang Panginoon na tanglaw natin tungo sa tunay na kasaganahan.

Ulit-ulitin ko po: Maraming salamat po sa inyong lahat. Pagpalain nawa ang mga Pilipino at ang Pilipinas [applause] at hindi ko ho man lang ni minsan hihindian ang imbitasyon po ni Brother Eddie na talaga naman pong pagkatagal-tagal nang panahon ay masasabi nating madali pong unawain at talagang matatag, iisa ang panindigang isinabuhay sa mahabang panahon na. Hindi po siya pabagu-bago kaya talaga naman pong madaling makasundo.

Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

Briefing Room

  • Bangko Sentral ng Pilipinas (9)
  • Commission on Filipinos Overseas (1)
  • Commission on Higher Education (2)
  • Department of Agrarian Reform (6)
  • Department of Agriculture (184)
  • Department of Budget and Management (227)
  • Department of Education (218)
  • Department of Energy (74)
  • Department of Environment and Natural Resources (224)
  • Department of Finance (233)
  • Department of Foreign Affairs (763)
  • Department of Health (70)
  • Department of Justice (14)
  • Department of Labor and Employment (414)
  • Department of National Defense (21)
  • Department of Public Works and Highways (94)
  • Department of Science and Technology (25)
  • Department of Social Welfare and Development (141)
  • Department of the Interior and Local Government (101)
  • Department of Tourism (96)
  • Department of Trade and Industry (11)
  • Department of Transportation and Communications (91)
  • Executive Office (2)
  • Laguna Lake Development Authority (1)
  • Metro Manila Development Authority (2)
  • Mindanao Development Authority (46)
  • National Anti-Poverty Commission (2)
  • National Disaster Risk Reduction and Management Council (14)
  • National Economic and Development Authority (108)
  • National Historical Commission of the Philippines (1)
  • Office of the Presidential Adviser on Political Affairs (2)
  • Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (247)
  • Office of the Presidential Spokesperson (384)
  • Office of the Vice President (3)
  • Philippine Amusement and Gaming Corporation (2)
  • Philippine National Police (3)
  • Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (117)
  • Presidential Communications Operations Office (9)
  • Public-Private Partnership Center (2)
  • Technical Education and Skills Development Authority (2)
  • Executive Issuances

    Departmental Issuances

    Historical Papers & Documents

    Legislative

    Judiciary

    Commissions

    Legal & Official Notices

    Archives