YouTube Preview Image

FULL TRANSCRIPT:

Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Para sa Bagong Taon

[December 28, 2011]

Sa mahigit isa’t kalahating taon nang pagbagtas natin sa tuwid na landas, nakikita na natin ang pagbangon ng bansa, mula sa malubhang katiwalian at kahirapan. Unti-unti na po tayong nagtatagumpay laban sa mga problemang ating dinatnan.

Ikumpara po natin ang kasalukuyan sa mga panahong lumipas.

Gaano man po katindi ang pagpipilit na magtanim ng agam-agam sa ating isipan, wala naman po sigurong makakapag-dudang nagbago na talaga ang Pilipinas.

Ngayon po, ibinabalik na natin ang piring ng katarungan. Ang kaunlaran ay natatamasa hindi lamang ng mayaman at makapangyarihan, ramdam na rin ng mas nakakarami nating kababayan.

Nakikita naman po natin ang bunga ng ating ipinunlang mga reporma: may maalab na sigla at pag-asa, mataas na kumpiyansa, at malawak at mas maraming mga oportunidad sa bansa. Ang taon na papasok ay hindi lamang pagpapatuloy ng ating naumpisahang mga reporma, ngunit ng mas mabilis pang pagbabago.

Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pagtitiwala. Manalig po kayong hindi kailanman kukupas ang matingkad nating hangarin na umasenso ang Pilipinas at ang mga Pilipino.

Hindi tayo patitisod sa nais pa ring umagrabyado sa mga Pilipino. Sa bayanihan ng ating pamahalaan at mamamayan, wala pong makakahadlang sa ating pag-angat at sa tuloy-tuloy na katuparan ng ating mga pangarap. Magpasalamat at bigyang-halaga po sana natin ang mga grasya ng Panginoon ngayong taon.

Hangad ko pong makatamasa pa ng maraming biyaya at tagumpay ang mas nakakaraming pamilyang Pilipino.

Isang masaganang Bagong Taon po sa ating lahat.

Briefing Room

  • Bangko Sentral ng Pilipinas (9)
  • Commission on Filipinos Overseas (1)
  • Commission on Higher Education (2)
  • Department of Agrarian Reform (6)
  • Department of Agriculture (184)
  • Department of Budget and Management (227)
  • Department of Education (218)
  • Department of Energy (74)
  • Department of Environment and Natural Resources (224)
  • Department of Finance (233)
  • Department of Foreign Affairs (763)
  • Department of Health (70)
  • Department of Justice (14)
  • Department of Labor and Employment (414)
  • Department of National Defense (21)
  • Department of Public Works and Highways (94)
  • Department of Science and Technology (25)
  • Department of Social Welfare and Development (141)
  • Department of the Interior and Local Government (101)
  • Department of Tourism (96)
  • Department of Trade and Industry (11)
  • Department of Transportation and Communications (91)
  • Executive Office (2)
  • Laguna Lake Development Authority (1)
  • Metro Manila Development Authority (2)
  • Mindanao Development Authority (46)
  • National Anti-Poverty Commission (2)
  • National Disaster Risk Reduction and Management Council (14)
  • National Economic and Development Authority (108)
  • National Historical Commission of the Philippines (1)
  • Office of the Presidential Adviser on Political Affairs (2)
  • Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (247)
  • Office of the Presidential Spokesperson (384)
  • Office of the Vice President (3)
  • Philippine Amusement and Gaming Corporation (2)
  • Philippine National Police (3)
  • Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (117)
  • Presidential Communications Operations Office (9)
  • Public-Private Partnership Center (2)
  • Technical Education and Skills Development Authority (2)
  • Executive Issuances

    Departmental Issuances

    Historical Papers & Documents

    Legislative

    Judiciary

    Commissions

    Legal & Official Notices

    Archives