Message of President Aquino to the Pilipino Star Ngayon on the occasion of their 27th Anniversary, March 17, 2013

Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Para sa Pilipino Star Ngayon
Sa kanilang ika-27 na Anibersaryo

[ika-17 ng Marso 2013]

Kaisa ng sambayanang Pilipino, binabati ko ang Pilipino Star Ngayon sa pagdiriwang ng inyong Ika-27 Anibersaryo.

Bilang kaagapay ng bayan sa pagsulong ng katarungan, kalayaan, at kaunlaran, hinahamon ang ating mga mamamahayag na itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng maagap, makabuluhan, at responsableng pagbabalita. Umaasa kaming sa pagtuntong ng Pilipino Star Ngayon sa halos ikatlong dekada nito sa serbisyo, mananatili kayong tapat sa pag-angat ng inyong industriya, sa pagpapalawig ng katotohanan, at sa pagpapayabong sa diskursong pumupukaw sa ating lipunan. Pagtibayin nawa kayo ng okasyong ito, nang sabay nating mapatingkad ang demokrasyang gumagabay sa atin sa pagtahak sa tuwid na landas.

Sa puntong ito ng ating paglalakbay sa daang matuwid, naaaninag na natin ang malawakang pagbabago. Higit pa natin itong pag-alabin sa pamamagitan ng paglalaan ng ating lakas, tiwala, at pagsisikap nang mabuhayan ang ating mga komunidad at maipanday ang magandang bukas para sa bawat Pilipino.

(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III

MANILA

Stay up to date with your government.

Subscribe Now
Share on social media
More from the Briefing Room