Ngayon na mismo ang panahon para tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip, at magkaisang-tinig. Ngayon na mismo ang panahon upang ialay ang ating oras at lakas. Ngayon na mismo ang panahon upang isang bansa tayong kumilos para sa katuparan ng mga kolektibong hangarin natin para sa Inang Bayan.











