"Sana ay maging handa ang mga tapat at may kakayahan nating mga pinuno na magsakripisyo at tumugon sa tawag ng panahon…

Hindi ito madali ngunit kung sama-sama tayong lahat,
hindi malayong maabot natin ang minimithi natin
magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino."

— Jesse Manalastas Robredo (1958-2012)

Sa ating kasaysayan, may mga pangalang nakatatak na sa pambansang kamalayan bilang ehemplo ng pag-asa't pagbabago— Rizal, Bonifacio, Abad-Santos, Magsaysay, Aquino. Silang mga nagbuhos ng pawis at panahon para sa kapakanan ng kanilang kapwa at lupang tinubuan; silang mga maagang lumisan, ngunit nagpamana ng habambuhay na inspirasyon para sa kanilang kababayan.

Sa pahinang ito, sisikapin nating sipatin ang buhay, ayon sa mga kuwento, artikulo't salaysay ng ilang kaibigan, katrabaho, at kapamilya ng isang Pilipinong maidadagdag sa hanay ng mga dinadakilang pangalan na ito: si Jesse Manalastas Robredo. Ilalathala rin dito ang ilang   pagbabalik-tanaw sa kaniyang kabutihan at paglilingkod, gayundin ang mga papuri't pasasalamat sa kanya, na patuloy na bumubuhos sa telebisyon, radyo, at social media.

Jesse Manalastas Robredo. Mabuting ama. Mapagmahal na asawa. Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Lingkod bayan. Nagueño. Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino.

"Iba po talaga si Jesse. Kapag mayroon tayong matinding problemang kinakaharap, palagi naman pong nandiyan ang mga taong sumosuporta at magsasabing, "Nasa likod mo kami." Pero si Jesse po, kabilang sa mga bibihirang tao na ang sasabihin, "Sir, ako na lang ang haharap, ako na lang ang pu-pronta." Hindi po nasa likod. Talagang kasama sa pilosopiya niya sa buhay ang hindi maging pabigat sa kapwa; ang palaging mag-ambag ng pinakamalaki niyang maiaambag, o lagpas pa, para makahanap ng solusyon."

Read more

Testimonials

Back to top

Messages

On August 18, 2012, a plane carrying Secretary of the Interior and Local Government Jesse M. Robredo crashed off the coast of Masbate. Since then, the nation has stood together in prayer for the safe rescue of the Secretary, and of his two pilots, Capt. Jessup Bahinting, and Nepalese flight student Kshitiz Chand. In the morning of August 21, 2012, after a grueling search, news swept the country confirming their passing.

The nation continues to honor Secretary Robredo. We invite every one to share their memories and offer testimonials:

comments powered by Disqus

Back to top

Share

Gallery

×
×