DPWH, pinalawak ang operasyon ng Hotline 165-02

Pinalawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mekanismo nito para sa mabuting pamamahala at kontra-katiwalian. Mula sa Central Office, pinaabot na ang saklaw ng mekanismo hanggang sa 16 na Regional Offices nito.